Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Si Jesus walang pagkakasala?
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
“At nagkatawang-tao ang Verbo” – Si Jesus
ba ito?
Inihayag noong ika-22 ng Setyembre 2006
Naniniwala ang mga relihiyon na si Jesus, sa anyo ng “Espiritu Santo” ay kasama ng Dios ng kapanahunan ng Paglikha, nguni’t basahin natin kung ano ang
ihahayag ng “taga ibang lupa” tungkol dito?
Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.
Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng
ginawa ay hindi ginawa kung wala siya. Juan 1:1-3 (TAB)
Totoo ito. Pagkatapos nito ay kanilang sasabihan ang kanilang mga kapanalig na
bumasa sa:
At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang
kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng
biyaya at katotohanan. Juan 1:14 (TAB)
At kanilang sasabihin na si Jesus ang “nagkatawang-tao” na “Verbo” –
Upang
maipakita na si Jesus ang Salita ng Dios na nagkatawang-tao, magiging isa siyang
dios sa anyo ng isa sa tatlong persona.
Nguni’t kung babasahin natin ng tama ang mga talata at malaman ang tunay na
kahulugan ng “Espiritu Santo,” malalaman natin na ang mga talata ay may linaw at tunay na
kahulugan. At malalaman din natin na kung ang mga ipinapalagay ng mga relihiyon
ay tama ba o mali.
Mag-umpisa tayo:
Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.
Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng
ginawa ay hindi ginawa kung wala siya. Juan 1:1-3 (TAB)
Ang sabi ni Maestro Evangelista, dahil binabanggit dito ang bahagi ng Kasaysayan
ng Paglalang at upang ating higit na malaman ang nakasulat sa aklat ni Juan,
basahin natin ang tungkol dito sa Aklat ng Genesis:
Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.
At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng
kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig. At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag.
Genesis 1:1-3 (TAB)
Totoo na may binabanggit na “Espiritu ng Dios.” Ano ang kahulugan ng “Espiritu ng
Dios” na sumasa ibabaw ng tubig?
Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan:
inyong sambahin ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan. Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig: ang Dios ng kaluwalhatian ay
kumukulog, sa makatuwid baga'y ang Panginoon sa ibabaw ng maraming tubig.
Awit 29:2-3 (TAB)
Malinaw na ang espiritu na nasa "ibabaw ng maraming tubig" ay ang Tinig o ang
Salita ng Dios, hindi ang Dios na sa kanyang gana ay sumasa ibabaw ng maraming
tubig, na siyang ipinalagay ng mga relihiyon.
At kung babasahing muli sa umpisa:
Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.
At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng
kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig. At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag.
Genesis 1:1-3 (TAB)
Bago lumikha ang Dios ng mga bagay, Siya ay nag-uutos. At kung may nais likhain
ang Dios, Siya ay nag-uutos kung papaano ito magaganap, parang isang “blueprint”
sa Kanyang mga gagawin. Ang sabi ni Maestro Evangelista, kung ang mga apostol ay nagsalita
ng mga bagay tungkol kay Jesus nguni't ang Dios ay wala namang binanggit tungkol sa
bagay na yaon, ibig sabihin nito ay huwag nating asahan na ito'y magaganap.
Ibinibigay ng Dios ang Kanyang utos; nasa Kanyang Salita ang kapangyarihang
lumikha ng kahit anong bagay na Kanyang naisin. Hindi ito hiwalay na kalagayan
sa Dios; kung ating ipalalagay na ang Salita ng Dios, kasama ng “Anak ng Dios,”
sa tatlong persona na aral ng mga relihiyon – ito ay kalapastanganan at walang
batayan, walang ganitong aral na mababasa sa Banal na Aklat.
Ang paniniwala ng mga relihiyon tungkol sa tatlong persona ay mali – isang
kathang-isip lamang.
Sa pagpapatuloy, ating ilagay sa tamang pag-uunawa ang unang kabanata ng
Ebanghelyo ni Juan:
Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.
Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng
ginawa ay hindi ginawa kung wala siya. Nasa kaniya ang buhay; at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao.
At ang ilaw ay lumiliwanag sa kadiliman; at ito'y hindi napagunawa ng kadiliman.
Juan 1:1-5 (TAB)
Ang sabi ni Maestro Evangelista kapag walang Salita ng Dios o kautusan, walang
magaganap, kaya’t kung nais ng Dios ito ay magaganap.
Naparito ang isang tao, na sugong mula sa Dios, na ang kaniyang pangalan ay
Juan. Ito'y naparitong saksi, upang kaniyang patotohanan ang ilaw, upang sa
pamamagitan niya'y magsisampalataya ang lahat. Juan 1:6-7 (TAB)
“Juan” – Ang Bautista, na isang propeta rin. Ano ang kanyang misyon? Ano ang
kanyang patotohanan kay Jesus?
Hindi siya ang ilaw, kundi pumarito upang kaniyang patotohanan ang ilaw.
Juan 1:8 (TAB)
“Hindi siya ang ilaw” – Na si Jesus ay hindi ang tunay na ilaw, na naparito siya
upang magbigay patotoo sa tunay na ilaw, ang Dios.
Nagkaroon ng tunay na ilaw, sa makatuwid baga'y ang ilaw na lumiliwanag sa
bawa't tao, na pumaparito sa sanglibutan. Juan 1:9 (TAB)
Sa ating kapanahunan, ang Dios ang paririto at hindi si Jesus.
Siya'y nasa sanglibutan, at ang sanglibuta'y ginawa sa pamamagitan niya, at
hindi siya nakilala ng sanglibutan. Juan 1:10 (TAB)
Magpahanggang sa ngayon, walang nakaalam ng Pangalan ng Dios.
Siya'y naparito sa sariling kaniya, at siya'y hindi tinanggap ng mga sariling
kaniya. Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng
karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga
nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan: Na mga ipinanganak na hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng
tao, kundi ng Dios. Juan 1:11-13 (TAB)
Ito ang pahayag, ano ang nangyari?
At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang
kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng
biyaya at katotohanan. Juan 1:14 (TAB)
“nagkatawang-tao ang Verbo” – Ibig sabihin, ang
pahayag ng Dios na ibinigay sa
Isaias 7:13-15 ay naganap sa pagparito ni Jesus na nagmula sa “angkan ni David." Ang kanyang misyon: Iligtas ang kanyang bayang Israel, at ibalik sila sa Dios.
Bumalik sa Itaas.
Magpatuloy sa:
Ang Abang Lingkod
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Wednesday May 28, 2014
|